Experience General Nakar
- The BikeRaveller
- Apr 29, 2020
- 3 min read
Check out what you've been missing...

"Look deep into nature, and then you will understand everything better."
-Albert Einstein
It's been a year since huling punta ko dito sa General Nakar, Quezon. Tara balikan natin kung ano ang meron dito.

Kung ngayon nyo lang ito narinig, ito ay isa sa limang bayan ng Quezon Province. Ipinangalan ito sa isang Pilipinong bayani na si General Guillermo Nakar ng USAFFE noong World War II. Mahigit 130km ang layo nito from Cubao, and almost 4 hours away from Manila kapag naka-sasakyan ka.
Dito rin ginagawa ng Sandugo ang Brusko Pacific Coast Epic Race at dito rin gagawin ang Shimano XC Challenge ng Neo Zigma (postponed due to our Covid situation).

Inaya ako ni Karl (BaonBros) pumunta dito para mamasyal. Si Karl kasi mahilig siya magbike kung saan konti ang tao. Almost parehas lang kami ng gusto. Ayaw niya sa madaming tao. Siguro one way niya iyon to de-stress himself from his weekday routine.
Dito ko rin nakilala si Josef (Big Barns Bikes). Naalala ko description sa akin ni Karl sa kanya, "Kung ano yung porma ng bike niya, ganun na ganun siya".
From Valenzuela, pumunta ako sa Mcdo Sumulong Highway para sa meet up namin ng 3am.


Nakarating kami ng General Nakar ng 7am. Nagulat ako sa paligid kasi konti lang talaga ang tao. Mababait sila at binabati ka talaga kapag dumadaan ka. Mostly mabato ang kalye dito. Bumungad agad sa amin ang hindi maiiwasang ahon. Magaan din ang simoy ng hangin dito. Habang umaahon kami, tanaw ko ang dagat sa gilid namin. Sana ma-preserve ito.

Ang dinaanan namin dito ay mahabang fire road na ahon sa simula. Sinusundan ko lang yung trail na naiwan ng mga sasakyan na nagdadala ng kalakal papunta sa bayan.
May vlog episode dito si Ger (BaonBros) noong Brusko Epic Race. You can check the video sa link na ito. (Subscribe ka na din ha.)
Imagine just 3 - 4 hours away from Manila, pwede ka magbike dito and experience life away from the city. Make sure to bring your own food as konti lang ang tindahan dito. Also CLEAN AS YOU GO! Walang maglilinis diyan ng kalat mo.

Ramdam mo yung vibrations na binibigay sa iyo ng nature dito. Yung hangin na humahawi sa buhok mo, yung gaan ng pakiramdam dahil napapaligiran ka ng puno, yung huni ng mga ibon, at tunog ng tubig sa batis. Hindi mo iyon makikita sa siudad. Nakakagaan ito sa pakiramdam at nakakatanggal ng stress. Nakakatulong din ito para ma-clear ang isip mo sa mga bagay-bagay. So ano, bibili ka na ba ng bike?
First time ko ma-experience noon mag-bike sa sapa. Tuwang tuwa ako nung trinry ko. Dito palang gusto ko na maligo kasi malamig at sobrang linaw ng tubig.
Dito mo mararamdaman yung priceless na pakiramdam na parang may bago kang laruan. Nakakagalak diba?

After that long winding virgin trail, nakarating din kami sa isang secluded na beach ng General Nakar. Summer ito noong pumunta kami pero solo namin ang beach. Ang ganda noh? Kami ni Karl ay nagpapa-hampas sa alon samantalang si Josef ay umiinom ng beer sa gilid at ine-enjoy ang kapaligiran.

Kung kailangan mo makapag-isip isip, isa ito sa mga solusyon. Be with nature. Ang logic ko diyan is: Para tayong Mobile Phone na na-lolowbat din, and the only way to recharge ourselves is to be with nature. Sana after this quarantine, umalis ka at i-discover mo ang mga lugar sa ating bansa. Bumili ka ng mga local products at bumisita ka sa mga tourist spots dito. Nakapag-relax ka na, nakatulong ka pa sa lokal.
Alam ko madami ka na-realize ngayong Quarantine Period. Sino ba ang mag-aakala na sa lifetime natin ay maeexperience nating hindi lumabas ng bahay ng mahigit 2 buwan. I hope this lockdown has enough "Me time" to help you get your shit together. Refuse to come out of this lockdown the same ha?
"That's it for my 2nd Blog Bikeheads! Maraming salamat ulit sa oras ninyo."
"Special thanks to Karl & Josef sa pag-invite sakin sa General Nakar!"
"Shimano XC Challenge here we go!!!"

"Postscript"
"Give yourself a break. Stop beating yourself up! Everyone makes mistakes, has setbacks and failures. You don’t come with a book on how to get it right all the time. You will fail sometimes, not because you planned to, but simply because you’re human. Failure is a part of creating a GREAT LIFE" - Les Brown
Comments