Experience Mt. Maarat
- The BikeRaveller
- May 1, 2020
- 4 min read
Savor Nature less than hour away from the metro...

"To cherish what remains of the Earth and to foster its renewal is our only legitimate hope of survival." - Wendell Berry
Mt. Maarat. Alam mo ba kung saan ito? Kung nakapunta ka na dito, hush ka muna. Ipaalam natin sa mga taong hindi pa nakakapunta dito ang mga nakatagong ganda ng lugar na ito.
Pero bago ko ito ikwento, okay lang ba magbigay ako ng advice sa iyo? Kung pupunta ka dito, make sure na Clean As You Go ha? Preserve natin ang nature maigi para maipasa pa natin sa susunod na generation. Okay ba? Salamat ha!

Ah Mt. Maarat.... Isa sa mga seryosong training grounds ng mountain biking. Challenging kasi ang ahon dito coming from Monterey (Marikina) at Modesta (San Mateo). Hindi ko akalain na may magandang spot dito para makita ang Manila Skyline. 30 minutes away ito from Marikina if naka-sasakyan ka.
Maraming pwede madaanan dito na Biking Trail (Pestano Trail, Kasoy Trail, etc.). Pwede ka din lumusot dito papuntang Casili River, Marambibit Falls or lumabas pa-Cabading at Boso-Boso.
Madami dami din attractions dito like ATV Adventures, Earth Haven Re-Creation Center, Philip's Sanctuary, at ang palagi kong pinupuntahan ang Sandugo Camp.

Dito ako palagi nagpapahinga after those challenging climbs. Tanaw mo dito ang naglalakihang gusali ng Ortigas, BGC, at Makati. Kita din dito ang Laguna Bay. Farm ito na pagmamay-ari ng Sandugo. Sa taas ng elevation at ganda ng view, napaisip ako kung pwede mag-overnight dito. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa ganda ng view dito? Hindi ka ba natuwa? Sige wait ka lang...

Nabanggit sa akin ni Karl (BaonBros) na pwede daw mag-camping dito at need ko lang icontact si Tatay Ric. Sino nga ba si Tatay Ric? Para sa akin, isa siyang alamat. Bakit? Iniikot niya ang Luzon, Visayas at Mindanao ng naka-bike. Grateful ako dahil isa siya sa mga taong hinahangaan ko sa mundo ng Mountain Biking. At his age, sumasali pa siya sa mga karera.
Nagkausap kami ng dati kong officemate na si Ralf (Pedro's Catch) at naisipan namin mag-camping dito. Huling usap namin ay noong 2015 pa dahil lumipat ako ng ibang company. Siyempre mahaba-habang catch up ito kaya bumili ako ng ilang bote ng beer. Hindi ko na uulitin umahon na may dalang beer. Daig ko pa yung shell ni Master Buten (Dragon Ball). Inabutan kami ng dilim paahon ng Maarat at grabe, walang kailaw-ilaw sa trail. Buti nalang may ilaw kami dala para makita ang dinadaanan namin. 7:30pm kami nakarating sa Sandugo Camp at ito ang tumambad sa aming view.

Ang ganda! Sino magaakala na maeexperience mo ito at napakalapit sa siudad diba? January kami pumunta dito at solo namin ang lugar. Napakalamig nga lang kasi panahon ito ng amihan. Tahimik... Ang tanging naririnig mo lang ay ang tunog ng kuliglig sa mga puno, at hangin na humahampas sa mga dahon. Perfect place to unwind na hindi ka malalayo sa pamilya mo.

Dito kami nagkamustahan ni Ralf at nakausap si Tatay Ric. Imagine the vibe ng lugar, the feel of nature, plus having a good talk with these people. You get a chance to know their fascinating stories and advice na pwede mo ma-apply sa buhay mo. Mas lalong nakaka-relax sa tama ng beer. "Tinapon ko maigi yung bote ng beer at kalat namin."

Dito kami sa kubong ito nag-stay. Pwede naman mag-pitch ng tent dito. Currently dine-develop ito para maging mas mainam na lugar for camping.
Kinwento din sakin ni Tatay Ric na may nag-overnight dito noong Bagong Taon. Imagine nasa bundok ka, eh di kitang kita mo yung fireworks sa baba. Soon! Mae-experience ko din yan.
Ngayong nakatago tayo sa kanya-kanyang bahay, alam ko miss na miss mo na mag-bike at travel. We all should celebrate after we conquer this Covid Situation. Go out! Experience nature with the right people and that should do it! Pero wait, baka ma-misunderstood ninyo ako ha. What I mean is when the virus is all gone na ha. We still need to observe social distancing pa din. If you need to reflect about your life, if you need to spend time with people na miss mo na kasama, or just plain enjoy the nature, this is one of the places you should visit.
"When this is all over. Kailangan ko bumalik dito at i-enjoy the view with beer on my hand!"
How To Go To Sandugo Camp

Coming From Cubao:
Look for Jeep going to Sliangan Park, idro-drop kayo nun sa AFP Village. Then you can ride tricycle going to Sandugo Camp.
For Private Vehicles:
Just look up Camp Sandugo via Waze. Puro ahon nga lang meron doon ha.
For Camping:
Pwede ka mag-dala ng tent and trust me, ang ganda dito. You can message Tatay Ric
" That's it for my Labor Day Blog!"
"Mag-iingat kayo palagi and Stay Positive! We will all make it through this!"
"Also May 1 ngayon! Happy Birthday Tatay Ric! Stay Healthy and See you soon!"

"Postscript"
“Find a group of people who challenge and inspire you; spend a lot of time with them, and it will change your life.” - Amy Poehler
Comments