top of page
  • YouTube
  • BikeRaveller Strava
  • BikeRaveller Facebook Page
  • BikeRaveller Instagram

Ready, Set, Pedal!

  • Writer: The BikeRaveller
    The BikeRaveller
  • Aug 24, 2019
  • 4 min read

Updated: Apr 26, 2020

Paano nga ba ako napunta sa mundo ng Mountain Biking?


“Your work is to discover your world. And then with all your heart, give yourself to it."

- Buddha


Nakita mo na ba ang calling mo sa buhay? Pwedeng sa form na successful ka sa corporate world, pwede din madami kang pera, nakagawa ka ng isang bagay na nakatulong sa humanity, or basta masaya ka lang sa ginagawa mo. Kahit ano pa yan, ramdam mo ba na yan na ang calling mo? If yes, Congratulations! Alam ko hindi madali ang pinagdaanan mo para makuha mo yan. Pero let me say this, "Proud ako sa iyo!". Ingatan mo kung anong meron ka dahil alam kong pinaghirapan mo iyan.


Kung hindi mo pa nakikita, don't worry. You'll be okay! Dahil may magandang plano sa iyo ang universe. Just send out the positive vibrations and let the universe do the work for you. Magugulat ka nalang nasa harap mo na, kukunin mo nalang! Parang puno ng caimito sa backyard mo, pipitasin mo nalang.


Ako? I'm okay naman. Heto, inaalagaan ko kung anong meron ako, ang mundo ng Mountain Biking. Naalala ko noong bata pa ako, nagagawa ko lang mag-bike sa kalye namin at doon lang ako umiikot. Pero napakalawak pala ng ginagalawan natin at napakadaming pwedeng puntahan.


Nagsimula ako mag-bike gamit ang Folding Bike ng Dad ko. I was 8 years old noong nagstart ako and sabi ko sa iyo, kahit nasa school ako at nagdi-discuss ang teacher ko, nilo-look forward ko na agad ang weekend para makapagbike.


Mountain Biking paved the way for me to start something new. It even gave me the feeling of being free, at palagi ko na iyon hinahanap-hanap. In short, nakaka-adik! You don't need a lot of money to go somewhere. All you need are the following: Your Bike, Your Strength, and Your Will to get there!


Noong early 20s ko, lagi ko tinatanong sarili ko, "Saan ba ako mageexcel?". Nag-taekwondo at soccer ako noong elementary pero natigil dahil lumipat ako ng ibang school. Nagbasketball din ako noong highschool at college during intramurals. Pangarap ko din dati maglaro sa NCAA pero hindi ako pinalad. Naalala ko nakatutok ako sa report na ise-send ko sa Manager ko nang biglang may nag-pop up sa utak ko, "Bumili kaya ako ng bike? Mag-bike nalang kaya ako ulit?".


Pinagisipan ko iyon mabuti. Chineck ko ang history ko sa bike. Ni-recollect ko yung feeling noong bata pa ako, pati mga benefits and advantages sa akin ng pagbi-bike. After careful consideration at 3 buwan na pinag-isipan (Yes, 3 buwan ko pinag-isipan dahil ayoko na magkamali), bumili ako ng bike kinabukasan.


Ang nabili kong bike noon ay SAVA ARES A1. Below 10K mountain bikes sa Quiapo. Tinawaran ko para makabili ako ng helmet.


From Quiapo, nag-bike agad ako sa UP Sunken Garden. Yun lang ang alam kong lugar na malapit sa amin na pwede ka mag-reconnect with nature sa dami ng puno, maliban sa cemetery ng dad ko. "Yun lang alam ko that time."


My life before Mountain Biking is mostly Basketball, Muay Thai, Gym, Drink after office hours, and play Pokemon & Rockman.


Never ko din na-imagine na gagawin ko ito. Bakit ko nga ba isinulat ito? Sabihin na natin na isa din ako sa mga taong hindi mahanap ang passion ko noon. 'Di porket hindi mo pa alam ang passion mo ngayon, hindi mo na makikita yun. Malay mo sa Mountain Biking ka din pala mapunta diba? You are welcome samin.


Naalala ko noong unang beses ko mag-Timberland (Binudol ako actually). Simula sa tindahan ni Aling Tina hanggang Wall 3, inabot ako ng 2 oras. Why? Nabigla ako sa bike all the way, ahon, at 3x7 set-up noon ni Sava Ares A1 na napaka-challenging. Pagdating ko sa Wall 3, tuwang tuwa ako sa view na nakita ko dahil 1st time ko umahon.


Simula noon, kapag nakakapunta ako sa taas ng bundok or sa bagong lugar, lagi ko tinatanong sarili ko:


"Worth it ba? OO Naman!!!"


"Uulitin mo pa ba? OO Naman!!!"


"Ano kaya pa? OO Naman!!!"


"Ano plano mo? Let's Go!!!"





Madami akong nalaman, napuntahan, nakilala, at madami din nabuong tanong sa mundo ng Mountain Biking. Nakaka-galak sa loob. The way the view looks from where you stand, the vibrations that nature provides, and being with people that share the same passion is pure bliss. Naalala ko noong wala pa akong bike, akala ko we can be happy sa pagsakay sa elevator, sumakay ng MRT, magtrabaho sa naglalakihang gusali sa siudad, at sumahod. Hindi pala ganoon yun. As time goes by, narealize ko na we don't belong sa concrete jungle. We belong sa nature talaga. Madami pa ako gustong ishare sa inyo like my bike workout, places to go, experiences, diet and supplement reviews na sana makatulong sa inyo. Sinu-sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayu-tayo lang din!


"Maraming salamat for taking time and reading my first Blog."

"Sunod-sunod na ito so stay tuned ha! Please like and share the word!"

Postscript:


You want to be competitive? GO AHEAD! You want to share unique places to go? GO AHEAD! You want to share cycling tips? GO AHEAD! Pero let's not put other cyclists down just because you have your own belief system. Napakalawak ng mundo ng Mountain Biking, lahat tayo kasyang kasya. Love in pure cinematic motion!

Comments


Profile Picture.jpg

About The Author

Don't forget to Subscribe:

Corporate Peasant & Psychology Student during weekdays.

Escaping reality during weekends.

Thinks differently from the norm.

His curiosity has led him to some riveting adventures.

Love Cats, Beer & Frosted Flakes.

  • YouTube
  • BikeRaveller Strava
  • BikeRaveller Facebook Page
  • The BikeRaveller Instagram

  © 2019 BikeRaveller All Rights Reserved.

bottom of page